February 2011
10 posts
Sandali pa lang siya nawala, ilang araw pa lang, pero parang sobrang tagal na.
So ayun, umalis na nga si beh, nagpunta na sa Canada, dun na siya magwowork. Mukha namang maayos siya dun, miss na miss lang ako, panay message sa Facebook haha.
Giniginaw daw siya ng sobra, pero nakakaadjust nanaman daw siya. Nagstart na yung work niya sa isang hospital. Nagsend nga siya ng mga pictures.
Nung...
Dear Nina,
Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magpaalam.
Hindi naman sa hindi tayo magkikita, pero parang kailangan lang din nating magpaalam sa mga nakasanayan na – paglabas natin araw-araw, pagdalaw ko sa inyo kapag weekend, pagvivideoke, at marami pang iba.
Alam kong matagal na ang planong magtratrabaho ka sa ibang bansa, tinulungan pa nga kita sa pagproseso ng mga papel mo, pero hindi...
Eto na yung araw na pinakakinakatakutan ko.
Mamayang 9 pm, aalis na siya. Pupunta na siyang Hong Kong tapos bukas ng 1 am yung flight niya papuntang Canada.
Ayoko nang isipin, pero mamaya na ang alis ni Nina. Matagal niya na ring plano to, pero hindi ko lang inakala na dadating talaga yung araw na to.
Kahapon habang inaayos namin yung mga gamit na dadalin niya, hindi namin napigilang umiyak....
Kumpleto ko na yung stickers para sa Mang Inasal! Pinilit ko yung mga magulang ko at kapatid na kumain sa Mang Inasal pagkatapos naming magsimba. Medyo puno nga sa Mega, pero konting intay nagkaroon naman ng upuan.
Nakakatawa yung sabi ni Mama.
“Bakit hindi ka na lang bumili ng ganyan mga tshirt?”
Sabi ko naman, “Ma, iba yung pinaghihirapan, yung kinukumpleto mo talaga.”
Nakilala na ng pamilya ko...
Nung unang pasko naming magkasama, ang regalo niya sa akin ay comforter. Sabi niya sa card, “The theme for this season’s gift is COMFORT. Para naman kapag gabi, you’ll feel extra cuddly and warm.” Sa totoo lang, ang ganda ganda nung comforter na binigay niya sa akin, nakakatawa kasi kung ang ibang babae magbibigay ng pabango, o tshirt o sapatos, siya comforter. Iba talaga. “You and your love for...
Noong June 24, 2009, naglalakad kami ni Nina pauwi nang bigla akong makagat ng aso. Oo, nakakatawa, nakagat ako ng aso. Sana siya na lang kumagat sa akin, pero hindi eh, askal yung kumagat sa akin.
Hindi naman dumugo, parang nakagat lang tapos nagmarka, pero talagang nagulantang siya.
“Beh, are you okay?! Masakit ba?”
Nagkukunwari lang akong masakit, sympre kunwari may pain, para lang swit siya sa...
Dahil gusto ko na talagang makumpleto yung stickers para sa Mang Inasal shirt, pinilit ko yung officemates ko na dun kami maglunch. Nainis sila kasi ang init daw maglakad tska medyo malayo, pero natuwa rin naman sila nung nakita nila yung ginagawa kong pagkumpleto sa mga stickers.
Naalala ko nung isang beses sinama ko si beh sa isang labas naming mga kaoffice ko. Una nilang sinabi, “o, ryan, paano...
Paano nga ba kami nagkakilala ni Nina?
Kanina nung kumain kami ni Nina sa Mang Inasal, tawa lang kami ng tawa nung inaalala namin. Nakatatlong stickers na nga pala kami! Konti pang kain, makukuha rin namin yung couple shirt na yan haha
Sa totoo lang nung una kaming nagkita, parang hindi niya yata ako trip. May project sila nung college, isang play. Hindi naman ako required manuod, pero nung...
Nakakita na ako ng maganda regalo para sa beh ko para sa Valentines. Magugustuhan niya tshirt siya na makukuha ko lang pagkatapos ko makakolekta ng stickers, parang starbucks planner lang. Hahaha.
Isang sticker pa lang ako! Mapapadalas yata ako sa Mang Inasal.
Alam niyo na ba kung anong bibigay niyo sa mga girlfriend niy0 para sa Valentines?
Ako gusto ko gumawa ng something special para sa girlfriend kong si Nina… Tatlong taon na rin kami magkasama, sa hirap at ginhawa (naks!) Kaya naman gumawa ako ng tumbler para maisulat ko rito lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.
Minsan talaga darating sa buhay m0 yng isang taong makakapagpatin0 sayo… kapag...