Malapit na ang Valentine’s Day :) Nagiisip ako kung ano ang magandang gift para sa beh ko since pangatlong Valentine’s Day nanamin ‘to magkasama. Sabi ng kapatid ko, magblog daw ako. Kaya eto, mula ngayon hanggang sa susunod na linggo, isusulat ko rito yung mga nararamdaman ko. Keso na ba masyado? ;) Ako nga pala si Ryan, tatlong taon na kami ng girlfriend kong si Nina.

  1.  

    Sandali pa lang siya nawala, ilang araw pa lang, pero parang sobrang tagal na.

    So ayun, umalis na nga si beh, nagpunta na sa Canada, dun na siya magwowork. Mukha namang maayos siya dun, miss na miss lang ako, panay message sa Facebook haha.

    Giniginaw daw siya ng sobra, pero nakakaadjust nanaman daw siya. Nagstart na yung work niya sa isang hospital. Nagsend nga siya ng mga pictures.

    Nung isang araw pala lumabas na yung results ng Nursing Board Exam, naalala ko tuloy nung si beh naman yung pumasa sa board exam. Ibang klaseng saya nung nalaman namin yun, pagkatapos ng matagal na pagaaral, tapos yung pagiintay sa resulta. Tapos nalaman namin na nakapasa siya, RN na! Ang saya talaga nun. Alam mo yung pakiramdam na nandun yung mahal na mahal mo sa panahong may icecelebrate? Graduation, birthday, o kung ano pa man yun, ganun yung pakiramdam namin nung lumabas yung results. I was so proud of her, kaming buong pamilya niya.

    Nagsimba kami sa Quiapo nung araw na yun para magpasalamat, binless talaga kami ni Lord. Malungkot na ngayon malayo siya, sa bagong challenges na haharapin niya, hindi ko siya matutulungan, hindi ko siya macocomfort.

    Pero okay lang, malayo man, malapit din. Isang Facebook chat lang, makakausap niya na ako agad. Always gonna be hir for her.

    Beh if your reading this, tandaan mo na lang yung promise natin sa isa’t isa. At yung future na gusto natin para sa atin. Darating din tayo dun ☺

  2.  

    Dear Nina,

    Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magpaalam.

    Hindi naman sa hindi tayo magkikita, pero parang kailangan lang din nating magpaalam sa mga nakasanayan na – paglabas natin araw-araw, pagdalaw ko sa inyo kapag weekend, pagvivideoke, at marami pang iba.

    Alam kong matagal na ang planong magtratrabaho ka sa ibang bansa, tinulungan pa nga kita sa pagproseso ng mga papel mo, pero hindi ako makapaniwala na darating ang panahong ito.

    Kapag nabasa mo na ito, ibig sabihin nga nasa Canada ka na, magkahiwalay na tayo. Ilang linggo ko na rin tong ginagawa, hinahanapan mo rin kasi ako ng card. Hahahaha.

    Nakakatawang nasa Canada ka na ngayon, lamigin ka pa naman. Hahaha. Wag mong kakalimutan yung warmers mo palagi, tsaka yung makapal na jacket na binili natin.

    Sa totoo lang, hindi ata kayang pantayan ng mga salita ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Naalala ko ang mukha mo bago ka pumasok sa departure lounge. Naiiyak pero pinipigil mo, ayaw mo siguro akong lalong pahirapan. Hanggang sa huli, ako pa rin ang inaalala mo. Iba ka talaga beh.

    Isipin mo na lang beh, para rin ‘to sa future natin. Mas matutulungan mo na ngayon yung mga magulang mo sa pagpapaaral sa mga kapatid mo, mas makakaginhawa rin sa kanila. Tska mas maayos na rin yung future mo. Magkahiwalay man tayo ngayon, magkakasama rin tayo.

    Lagi mong tatandaan na may boyfriend kang nagiintay sayo, na laging magmamahal sayo nasaan ka man.

    Love,

    Ryan

    P.S Magiipon na nga pala ako. Para pagbalik mo, magpakasal na tayo? Haha. Love you beh.

  3.  

    Eto na yung araw na pinakakinakatakutan ko.

    Mamayang 9 pm, aalis na siya. Pupunta na siyang Hong Kong tapos bukas ng 1 am yung flight niya papuntang Canada.

    Ayoko nang isipin, pero mamaya na ang alis ni Nina. Matagal niya na ring plano to, pero hindi ko lang inakala na dadating talaga yung araw na to.

    Kahapon habang inaayos namin yung mga gamit na dadalin niya, hindi namin napigilang umiyak. Para talaga siyang eksena sa mga teleserye – kayang kaya naming tapatan si John Lloyd at Bea Alonzo. Hahaha.

    “Bawal lumabas kasama ng ibang lalaki ha.”

    “Ikaw rin.”

    “MagSkyskype tayo araw araw ha.”

    “Oo naman. Buti na lang mabilis na internet niyo.”

    Marami rin siyang gamit na iniwan, gusto niya man dalin, pero hindi na dapat, hindi kakasya sa bag niya.

    Nung isa niyang birthday niregaluhan ko siya ng hotdog na unan. Alam niyo yung mahaba na talagang niyayakap? Sayang, hindi niya na madadala yun.

    Nung isa naman naming anniversary, binigyan ko siya ng malaking stuff toy na bear, hindi niya na rin yun madadala, medyo maalikabok na nga eh.

    “Iiuwi ko muna ‘to ha, sa akin na muna, lalaban ko.”

    Sayang, ang bilis kasi ng panahon, hindi rin kami nakalabas para lang makasama ang isa’t isa. Nakapagvideoke man lang sana kami, o nakapanuod ng isa pang movie.

    “Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng card bago ako umalis?”

    Natawa na lang ako kasi bigla niya na lang ‘tong makikita. Haha.

    “Mamaya, bago ka umalis.”

    Binigay ko na rin pala yung kalahati ng shirt ng Mang Inasal na nakuha ko. Talagang inintay ko na magkaroon.

    Sabi ko sa kanya, “Ito yung shirt na pinaghirapan kong makuha, marami raming kain rin yan.”

    “Sa akin yung isa, sayo yung partner. Sana kahit nasa Canada ka na, maalala mo pa rin ako. Tuwing isusuot mo yan, maalala mo na kalahati ng puso ko na sa iyo, kalahati ng buhay ko sa iyo na. I love you beh.”

  4.  

    Kumpleto ko na yung stickers para sa Mang Inasal! Pinilit ko yung mga magulang ko at kapatid na kumain sa Mang Inasal pagkatapos naming magsimba. Medyo puno nga sa Mega, pero konting intay nagkaroon naman ng upuan.

    Nakakatawa yung sabi ni Mama.

    “Bakit hindi ka na lang bumili ng ganyan mga tshirt?”

    Sabi ko naman, “Ma, iba yung pinaghihirapan, yung kinukumpleto mo talaga.”

    Nakilala na ng pamilya ko si Nina, actually madalas nga siya sumama sa amin. Hindi lang siya nakasama ngayon kasi nagaayos na siya ng gamit.

    Minsan si Mama nga lang at si Nina yung lumalabas. Sinasamahan niya si Mama mag divi.

    Nakakalungkot, siya na talaga buhay ko.

    Malapit na siya umalis. Sa 17na.

    Kukunin ko na dapat yung love inasal shirt, pero mamimili pa ako ng kulay, so bukas na lang.

  5.  

    Nung unang pasko naming magkasama, ang regalo niya sa akin ay comforter. Sabi niya sa card, “The theme for this season’s gift is COMFORT. Para naman kapag gabi, you’ll feel extra cuddly and warm.” Sa totoo lang, ang ganda ganda nung comforter na binigay niya sa akin, nakakatawa kasi kung ang ibang babae magbibigay ng pabango, o tshirt o sapatos, siya comforter. Iba talaga. “You and your love for are the best gifts I’ve got this year. You are the comfort I need from all the worries of this life now and of the future,” sabi niya sa card. Nun pa lang, alam niya na yata na aalis talaga siya. —-

    NagMang Inasal nanaman ako – kaming dalawa ni beh. Hinahabol ko talaga na sa Feb 14, makukuha ko na yung shirt.

  6.  

    Noong June 24, 2009, naglalakad kami ni Nina pauwi nang bigla akong makagat ng aso. Oo, nakakatawa, nakagat ako ng aso. Sana siya na lang kumagat sa akin, pero hindi eh, askal yung kumagat sa akin.

    Hindi naman dumugo, parang nakagat lang tapos nagmarka, pero talagang nagulantang siya.

    “Beh, are you okay?! Masakit ba?”

    Nagkukunwari lang akong masakit, sympre kunwari may pain, para lang swit siya sa akin. Talagang pigang piga yung kamay ko sa hawak niya.

    Pagdating sa ospital, tanong naman agad nung nurse kung kamusta yung pakiramdam ko. Nagulat nga ako nung biglang nagsalita si beh.

    “ako po yung girlfriend niya, ano na po gagawin niyo?”

    Pinapasok ako sa emergency room, mukha namang mas kinabahan pa si beh. Pina intay ko na lang muna siya sa labas.

    Tiningnan ako ni dok tapos sabi niya iinjectionan daw ako ng anim na beses sa anim na linggo. Nagulat naman ako kasi sa liit naman ng kagat, bakit naman ganun kadami.

    Paglabas ko ng ER para magbayad, sabi ko sa kanya, “Beh, kailangan kong magbayad, medyo may kamahalan. Pero wala akong pera, uwi muna tayo.”

    “Beh, ano ka ba. Wag ka na mahiya, ako nang bahala. My savings are your savings too.”

    Swit naman.

    “Joke lang beh, tinetest lang kita. May healthcare ako, sa office.”

    Nainis siya sa akin pero nung nakita niya akong iniinjectionan (sympre acting na lang na masyadong masakit), hindi na siya nagalit masyado.

    Pinili ko pa lang kumain sa Mang Inasal ngayon, para naman makakuha ako ng isang sticker.

    7 stickets na lang!

  7.  

    Dahil gusto ko na talagang makumpleto yung stickers para sa Mang Inasal shirt, pinilit ko yung officemates ko na dun kami maglunch. Nainis sila kasi ang init daw maglakad tska medyo malayo, pero natuwa rin naman sila nung nakita nila yung ginagawa kong pagkumpleto sa mga stickers.

    Naalala ko nung isang beses sinama ko si beh sa isang labas naming mga kaoffice ko. Una nilang sinabi, “o, ryan, paano ka naman nakabingwit ng ganyan? Lagyan mo ng helmet yan, para hindi matauhan”

    “Nina, bakit mo naman pinatulan yan?”

    Sympre, swit naman ang beh ko.

    “Mahal na mahal ko yan. Kahit na medyo tabain.”

    Nandiri daw sila sa pagkaswit.

    Alam ko namang deep inside, inggit lang sila. Hahaha.

    ——-

     8 stickers to go!

  8.  

    Paano nga ba kami nagkakilala ni Nina?

    Kanina nung kumain kami ni Nina sa Mang Inasal, tawa lang kami ng tawa nung inaalala namin. Nakatatlong stickers na nga pala kami! Konti pang kain, makukuha rin namin yung couple shirt na yan haha

    Sa totoo lang nung una kaming nagkita, parang hindi niya yata ako trip. May project sila nung college, isang play. Hindi naman ako required manuod, pero nung nakita ko yung nagbebenta ng ticket, parang nagustuhan ko ng manuod. Mahilig kasi ako sa mga chinita haha

    “Hi miss, may tickets pa ba para sa Ampithron?” sabi ko sa kanya.

    “Sold out na po. Standing room na lang,” sabi niya ng malumanay.

    Nun pa lang nagandahan na ako sa kanya.

    Bumili na nga ako ng ticket, tapos nagsign-up dahil may student discount ako.

    “Salamat, miss.”

    Tapos parang umirap lang siya. Siguro dahil rin mainit nun araw na yun kaya ganun yun reaction niya.

    Nung araw ng play, nahuli ako ng gising. Sabado ng 10 am yung show. Dahil late na ako parang tinamad na tuloy akong pumunta.

    Laking gulat ko na lang ng may nagtext.

    “Hi, the show will start in a few minutes, will you still be watching? – Nina from the booth”

    Nabist0 ko na. Crush rin ako nito.

    “Yes. Papunta na.”

    “Puede niyo pong iexchange yung ticket niyo para sa ibang showing para mapanuod niyo ng buo” reply niya.

    “Okay lang, gusto na kita makita ulit” naman ang bira ko.

    Sabi ng mga kaibigan niya nun nakita niya pa lang ako sa booth, crush niya na ako. Lakas lang.

  9.  

    Nakakita na ako ng maganda regalo para sa beh ko para sa Valentines. Magugustuhan niya tshirt siya na makukuha ko lang pagkatapos ko makakolekta ng stickers, parang starbucks planner lang. Hahaha.

    Isang sticker pa lang ako! Mapapadalas yata ako sa Mang Inasal.


  10.  

    Alam niyo na ba kung anong bibigay niyo sa mga girlfriend niy0 para sa Valentines?

    Ako gusto ko gumawa ng something special para sa girlfriend kong si Nina… Tatlong taon na rin kami magkasama, sa hirap at ginhawa (naks!) Kaya naman gumawa ako ng tumbler para maisulat ko rito lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

    Minsan talaga darating sa buhay m0 yng isang taong makakapagpatin0 sayo… kapag may problema nanjan xa agad para sa akin.

    Kaya naman mula ngayon hanggang Valentines day, magpopost ako ng mga kung anu-anu para sa kanya. Ipapakita ko lang sa kanya sa mismong araw ng mga pus0.

    Balak ko ring bumili nung mga terno t-shirts. Yung mga pang mga magsyota tapos sabay isusuot. Magugustuhan niya y0n.

    Si Nina kasi mahilig yun sa mga sweet na mga bagay. Nanunuod kami lagi ng mga pinoy romantic films, kumain ng isaw at fishballs sa UP tsaka hindi namin kayang mahiwalay sa isat isa.

    Gust0 ko lang naman talaga na maging masaya xa.

    Kaya naman ako kinakabahan lalo na kase aalis na si Nina. Next week pupunta na siya Canada, dun na xa magtratrabaho.

    Hinihingi ko lang sa iyo, follow mo lang ako dito para makita niya na maraming nagbabasa ng storya namin.

    Para kapag nalulungkot na siya dun, may mababasa siya at makita nya na may nagmmahal at nagiintay sa knya.